27/06/2020
https://www.facebook.com/108125423885005/posts/139020090795538/
Ayon sa tradisyong binaba, ang Zamboanga ay nagmula sa salitang “saboan,” o tukon, na naging “samboangan,” o dunggoanan. Tinatawag rin itong Jambangan na sa huli ay naging Zamboanga. Ang mga lumad sa Zamboanga ay tinatawag na Subanen, Subanon o Subanun, o mga taong naninirahan sa "suba" o ilog subalit sa paglipas ng panahon ay lumikas na sila sa mga bukirin. Halos lahat ng mga lugar sa Zamboanga ay napapaligiran ng ilog o di kaya'y malapit sa anyong tubig.
Ang mga Subanen ay kinikilalang isa sa pinakaunang naninirahan sa Isla ng Mindanao. Kadalasang makikita sila sa hilaga, kanluran at timog na bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Limitado lamang ang edukasyon para sa kanila subalit pinaniniwalaang sila ang pinakaunang nagsagawa ng "birth control" o yung mga paraan para mapigilan ang pagbubuntis ng isang ina sa pamamagitan ng pagkain ng isang halamang gamot na tinatawag na "benayan". Pinaniniwalaang mas malaking panalangin ang pagkakaroon ng mas maraming anak na babae kaysa sa lalaki nang sa ganun ay makabawi ang tatay mula sa dowry sa kanilang kasal noon.
Kanila ring pinaniniwalaan na ang lahat ng tao ay dapat na maikasal. Isinasagawa rin sa kanila ang "fixed marriage" o ang pagkakasundo ng mga magulang para sa pagkasal ng kanilang mga anak. Ang magulang ng lalaki ang maghahanap ng mapapangasawa ng kanilang anak pagkatapos ay mga magulang din ang magtatakda ng petsa ng kasal. Pinahihintulutan rin sa kanila ang "polygamy" o ang pag-aasawa ng higit pa sa isa basta ay makakaya nitong suportahan ang pamilya. Ngunit bawal na bawal ang paghihiwalay ng mag-asawa at pagpapakasal sa isang malapit na kamag-anak.
Walang opisyal na relihiyon ang tribu subalit ang pinaniniwalaan ay mayroon silang "Holy Book" noong unang panahon.
| Minda.News, Daligang H. Pupol Forum, 1981
Photo courtesy:
Mamre Lim, Flickr
OneTV Philippines
Wikiwand.com
Philippine Information Agency