16/11/2025
Bakit daw madaming pumunta sa rally , kesyo bayad daw.Sabi ng taong puro facebook lang ang alam tapos nagkakamot ng itlog nya habang nakaupo๐
Yung bumoses ka karapatan mo yan, dahil nasa demokrasya ka lalo na at ang mga nakaupo sa gobyerno eh nagnanakaw pa, tandaan ang mga nakaupo sa gobyerno mga empleyado din yan kagaya ng ordinaryong tao yan, hindi yan mga boss ng taong bayan, nilagay yan dyan para magtrabaho. Tayo ang employer nila at tayo ang may karapatang sitahin at usigin sila sa katiwalian nila.Tayo ang boss nila dahil yan ang obligasyon nila.
Hindi kasalanan ng bumoto yan, kasalanan yan ng taong itinalaga sa posisyon na yan, parang kumpanya din yan.Pag nagnakaw ang empleyado , may kaparusahan yan,kulong or tanggal agad sa pwesto.
Dahil ang mga nakaupo, may trabaho na dapat ginagampanan yan.At kapag may kapabayaan, dapat managot yan.
Kung ikaw di ka apektado sa mga nagyayareng nakawan sa bayan, eh good luck nalang sa future ng magiging anak mo ๐ Dahil mamanahin pa nila yan hanggang sa kaapo apuhan nila.
May iba kasi na feeling mas matalino at feeling mas tama ang choice nila kesa sa ibang tao, kung feeling mo mas mahusay ka at mas matalino ka mag isip, bakit ganyan pa din sitwasyon mo sa buhay?umasenso ka na? kailan pa?
Hayag hayagan na ang kagaguhan, pero ikaw di mo kayang bumoses kasi ayaw mo na baka ang kasunod na umupo eh yung taong di mo gusto kasi naiinis ka sa kanya? Batas at constitution pa din ang masusunod regardless kung anong kulay ang uupo.
Kaya dont base on your feelings, kasi kadalasan ang maling desisyon nangagaling lagi yan sa mga desisyon base sa Feelings.Just base on facts nalng ,
I dont care if i loose some friends or relatives because of my political views, mas mahalaga sakin yung magiging future ng anak ko, Di naman sila magpapakaen sa mga anak ko, at higit sa lahat dapat tuldukan na ang cancer ng lipunan na to.
Dalawang choice lang ang pwede mong gawin, gumamot ng cancer or maging cancer ka din ๐