22/05/2021
𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙮𝙤𝙪𝙣𝙜𝙚𝙧 𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙢𝙤, 𝙖𝙣𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙙𝙫𝙞𝙘𝙚? 🤔
para sakin...?
Hmmm... Ano nga ba?
Never Give Up!
Kung magbibigay ako ng advice sa maraming tao…
Ano nga ba?
Never Ever Give Up!
Nakakalungkot dahil makikita mong maraming tao na ang sumuko sa buhay na ayun sa kagustuhan nila..
Dahil sa gusto nilang maging "fit-in"…
Fit-in sa mga magulang
Fit-in sa mga kaibigan
Fit-in sa society
Masyadong takot na mangarap kung gaano kaganda ang buhay na pwedeng mangyari…
dahil sarili mismo at ibang tao ay nagpapakita ng maraming mga halimbawa ng kung ano ang maaaring magkamali..
Mga halimbawa kung gaano kahirap ang buhay.
Naniniwala ako na kahit sino man sa mundo ay pwedeng magtagumpay sa buhay.
‘Wag na ‘wag kang susuko.
Some will try to discourage you.
Sasabihin nila na ang ginagawa mo ay "labag sa batas," o isang "kasalanan," o paglabag sa code ng anuman...
Maaari silang kumapit sa'yo..
sasabihing, “Pakiusap itigil mo na ang ginagawa mo! Walang magandang mangyayari sa’yo.”
Ito sasaabihin ko sa'yo...
Tumuloy ka lang.
Rest assured, inggit lang sila sa’yo.
“Hindi kami inggit, sa totoo lang, basta tumigil ka lang sa ginagawa mo.” marahil ‘yan ang sasabihin nila..
Gawin mo lang inspirasyon.
Tumingin ka sa malayo…
Isipin mo na may maliit na tuldok at tingnan mo.
Nakikita mo na ba?
Hindi, hindi iyan — ang isa na mas malayo pa.
Halos hindi mo ito makita......
Ngayon ay ‘wag na ‘wag kang titigil hanggang sa maabot mo ito.
Ipinanganak tayo na may mga sariling pag-iisip na hindi sumusuko.
Noong baby ka pa, umiiyak at sumisigaw ka...
hanggang sa makuha mo ang gusto mo, tama ba?
Pero nung lumalaki ka na,
unti-unti ng nawawala ang abilidad na meron ka.
Maraming tao ang pag-uusapan ang mga kabaliwang ideya na meron tayo..
mga taong nakatira sa tinatawag na "real world"…
na kung saan ang mga bagay ay “may kahulugan.”
Never pa nila sinubukang gawin ang imposible.
Ngunit, ikaw ay may napakaraming beses, maraming beses na pagkakataon.
Keep pushing ahead.
Mga ilang taon ang nakalipas, may isang lalaking hindi sumuko.
Isa s’yang struggling actor.
Dumating sa point na talagang walang wala na s’ya at naisip n’yang ibenta ang alahas ng asawa n’ya.
Nawalan s’ya ng tirahan at natulog sa bus station ng tatlong araw.
Dahil hindi na n’ya kayang bayaran ang renta ng bahay
at ang masaklap pa ay wala na s'yang pambili ng pagkain.
Ang pina lowest point na nangyari sa kanya ay pati a*o n’ya ay nagawa n’yang ibenta sa isang di kilalang tao sa isang tindahan.
Sa kadahilan na wala na s’yang pera na ipakain sa a*o n’ya.
Binenta n’ya lang 'to sa halagang $25.
Habang tinatanggap ang pera...
tumalikod na lang at naglakad ng paiyak. 😢
Dalawang linggo ang lumipas, nakita nya ang isang boxing match ni Mohammad Ali.
At yung match na yun ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon na sumulat ng script na ngayon ay sumikat sa pelikulang, ROCKY.
Sinulat n’ya ‘to ng 20 hours.
Sinubukang n’yang ibenta at may offer sa kanya na $125,000 para sa script.
Pero may ISA s’yang REQUEST.
Gusto n’yang maging bida sa pelikula.
Bilang Rocky mismo.
Pinagtawanan s’ya at hindi s’ya pinayagan.
Gusto nila ng totoong BIDA.
Sabi nila sa kanya, “Mukhang katawa-tawa at nakakatawa magsalita.”
Pagkatapos ng dalawang linggo, ang studio ay nag offer sa kanya ng $250,000 para sa script.
Tumanggi s’ya dito.
Nag offer sila ulit ng $350,000.
Tumanggi pa rin s’ya.
Gusto nila ang pelikula, pero HINDI s’ya ang bida.
Sabi n’ya.. HINDI.
Dapat s’ya ang nasa pelikula.
Hanggang pumayag na lang ang studio at binayaran lang s’ya ng $35,000 para sa script na s’ya ang bida.
and The rest is history.
Ito 'yung pelikulang Rocky na nanalo ng
Best Picture, Best Directing and Best Film Editing at the prestigious Oscar Awards
At Na-nominate din s’ya bilang BEST ACTOR.
At ang actor na ‘to ay si Sylvester Stallone.
Ang Movie na ROCKY ay naging American National Film Registry as one of the greatest movies ever!
At alam mo ba ang una n’yang binili sa $35,000 na hawak n’ya?
Guess mo nga…?
Yes!
Ang A*o n’ya…
Mahal ni Stallone ang kanyang a*o at sa katunayan ay nag-antay s’ya ng tatlong araw sa tindahan kung saan n’ya binenta ang a*o n’ya para antayin ang taong bumili sa a*o.
Alam mo ba kung magkano ang bili n’ya sa a*o n’ya?
$100?
$500?
$1000?
Believe it or not, nagbayad s’ya ng $15,000 sa parehong a*o na binenta n’ya ng $25 lang.
And finally, nakuha n’ya na ang a*o n’ya.
Maraming pintuan ang magsasara sa’yo.
Itutulak ka ng mga tao hanggang sa manalo sila.
Pero ‘wag na ‘wag kang susuko.
Push yourself kahit wala ka pang nakikitang resulta.
NEVER LET THEM CRUSH THAT DREAM.
Kahit ano man ang mangyari sa’yo ..
Keep Dreaming!
Kahit na tinalikuran ka,
Keep Dreaming.
Even when they shut you down,
Keep Dreaming.
NO ONE KNOWS WHAT YOU ARE CAPABLE OF EXCEPT YOURSELF!
People will judge you by HOW you look. And by WHAT you have.
But Fight on!
Always Dream BIG, Go All-In and NEVER EVER GIVE UP!
I hope na na-inspire kita sa post na 'to..
Share mo naman sa baba kung ano ang pinakanagustuhan mo... ☺