03/10/2026
For awareness we are sharing a network advisory regarding ongoing issue affecting international internet connectivity 📢
Magandang araw Ka-Pipol, may kasalukuyang submarine cable issue na nakakaapekto sa ilang international internet routes. Dahil dito, maaaring makaranas ang ilang users ng mabagal na loading, mataas na ping, buffering, o intermittent connection sa ilang online services,
- Philippine - Singapore Link ( Down )
- Philippine - Hongkong Link ( Maintenance )
Pasimplehin natin may dalawang kalsada tayo na pwede daanan, ngayon nasira ang Main road kung saan dumadaan ang karamihan ng sasakyan , maghahanap ngayon ng alternative na Kalsada na pwede daanan ,pero dahil under Maintenance naman ang Secondary Road hindi makakadaan ng maayos lahat ng sasakyan rito at mag cause lang ng traffic .
🌐 LOCAL SERVICES
Ang mga websites at services na gumagamit ng local Philippine routes ay maaaring manatiling normal, kabilang ang ilang:
• Philippine websites
• Local banking & payment services
• Government websites
• Local servers at applications
🌎 INTERNATIONAL SERVICES
Posibleng magkaroon ng epekto sa ilang services na dumadaan sa international routes, gaya ng:
• Facebook / Instagram
• YouTube
• TikTok
• Netflix
• Google services
• Online games
• International websites & cloud services
⚠️ Hindi lahat ng services na ito ay siguradong maaapektuhan. Depende ito sa routing at server location ng bawat service.
🔧 ANO ANG GINAGAWA NG PIPOL?
Patuloy naming mino-monitor ang network at tinitimpla namin ang routing sa available alternative routes upang ma-minimize ang epekto ng submarine cable issue sa ating mga subscribers.
Patuloy din kaming nakikipag-coordinate sa aming upstream providers at network partners para sa updates at resolution.
🙏 Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pasensya.
ginagawa namin ang lahat para manatiling mabilis at reliable ang inyong connection. 💙
— Pipol Broadband