07/10/2026
6 months since I opened my shop.
At 23 years old, I’m still figuring out what life has in store for me. And honestly, grabe yung frustrations.
Being a small business owner in this economy isn’t easy. May mga araw na matumal, minsan halos buong araw kang naghihintay ng customer. Pero may mga araw din na masasabi mong Alhamdulillah, sulit lahat ng pagod.
As a first-time business owner, marami akong natutunan the hard way.
Ikaw ang cashier.
Ikaw ang social media manager.
Ikaw ang technician.
Ikaw ang taga-linis.
Ikaw ang taga-asikaso ng customers.
At minsan, ikaw din ang taga-solve ng problema kapag may backjob.
Isa rin sa mga frustrations yung mga customers na nakikiusap, pinagbibigyan mo, pero eventually hindi na nagpaparamdam. Usapan ay usapan. Hindi naman sa pagiging madamot—business is still business, and every transaction matters, especially for a small business like mine.
Minsan akala ng iba, kapag may negosyo ka, marami ka nang pera. Hindi nila nakikita kung gaano kahirap kumita ng isang araw para lang hindi malugi. Capital, bills, repairs, supplies, at lahat ng unexpected expenses—lahat yan parte ng araw-araw na struggle.
Pero despite everything, I’m still here.
Six months in, hindi pa man ako successful sa definition ng iba, pero proud ako na umabot ako hanggang dito. Marami pa akong kailangang matutunan, maraming mistakes na kailangan kong pagdaanan, at marami pang challenges na haharapin.
In Shaa Allah, unti-unti.
I pray that this small business becomes something I can establish for the future—something stable, successful, and something I can be truly proud of.
To everyone who supported, trusted, purchased, recommended, and even simply shared my business—maraming salamat.
Six months down.
Still learning. Still struggling. Still trying.
And In Shaa Allah, someday, magiging worth it din lahat. 🤲🏻