17/07/2024
Reminder lang po! Mag-ingat po sa mga scam!‼️🚫
May mga naging customers kabi na kabayan na ganito din ang kwento nila.
Mag tanong at humingi agad ng consulta!
5 Vietnamese, huli sa phone registration scam (Guide na Pinoy, maaaring hulihin din)
Ayon sa news na ito, hinuli ng Osaka police ang 5 Vietnamese, nasa 20's to 30's ang age, matapos mapatunayang sabit ang mga ito sa phone registration scam. Ang grupo nila ay paulit-ulit ang ginagawang panloloko at kumita na ng more than 2,000 lapad.
Nakumpiska din ng mga pulis ang more than 200 pirasong smartphone na naka-contract sa ibat-ibang gaikokujin na kanilang nakuha, at ang mga ito ay naka-connect sa more than 600 lines ng Docomo.
Gamit ang mga nakuha nilang smartphone na naka-contract at nakapangalan sa ibat-ibang foreigner dito sa Japan, kanilang ginamit ang D BARAI service ng Docomo upang mabayaran ang nakukuha nilang item online (tulad ng mga Nintendo Switch at Play Station), then ang mga product ay kanilang ibinibenta at dito sila kumikita ng malaki.
Ang bill naman sa D BARAI service ng Docomo ay madadagdag sa mothly billing ng phone na sinisingil ng Docomo company sa mga foreigner na nakipag-contract sa kanila, na kinuhaan ng cellphone ng mga scammer na nahuli. Dahil sa dami ng mga paulit ulit na billing, nag-report ang company sa mga pulis at dito nabisto ang kanilang ginagawa.
Ang more than 200 pirasong smartphone naman na nakumpiska ng mga pulis ay kalahati dito ay pag-aari ng mga kababayan nilang Vietnamese din, at ang kalahati naman ay sa mga Pinoy at Indonesian ito naka-contract.
Sinisiyasat sa ngayon ng mga pulis kung paano napunta sa mga scammer na ito ang mga cellphone at maaaring hulihin nila ang lahat ng taong kasangkot daw dito.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.